06 10 / 2011

RE:    May isang maliit na bayan, ang Dahog Dahog na kung saan sa di kalayuan ay mag-asawang naninirahan. Kadalasan sila ay nag- lalakad papuntang bayan upang bumili ng mga kinakailangan sa
araw-araw. Ang mag-asawang ito ay may isang anak si Undang, walong taong gulang. Isang araw napag-isipan ng mag-asawang ipagluto  ang kanilang anak ng spaghetti, ito ay sikat na pagkain sa mga bata kaya naman umagang umalis ang kanyang ina upang bumili ng mga sangkap. Bumalik ito agad  upang makapag-luto na. Si Undang naman ay masayang naglilinis ng bakuran dahil
sa pagkasabik sa spaghetti. Nagluto na ang kanyang ina at naalala nito na nakalimutan niyang bumili ng keso.  Inutusan nito ang kanyang anak na bumili saglit ng keso. Pagkatapos maglinis  ni Undang  tila nakaramdam ito ng pagkatamad marahil na rin sa  pagod at gutom. Ngunit kahit ganun ay sinunod pa rin niya ang kanyang ina. sSa paglalakad niya ay may naamoy siyang  mabangong keso. Pero nagtaka siya dahil sa lugar na iyon na magubat ay may keso. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa  pagsunod sa amoy. Ito ay nagmumula sa bahay ng isang duwende. Isang nakabalot na tela ang kanyang nakita at nang maamoy ay nakita na ang keso. Bumalik na siya sa kanilang bahay kaagad kaya laking gulat ng kanyang ina. Ngunit ipinagpatuloy na lang nito ang paghahanda sa spaghetti. Habang kumakain ay tila may naramdaman si Undang sa kanyang katawan, iyon ay dahil sa  sumpang dala ng keso na sinambit ng duwende sa kung sino man ang nagnakaw ng kanyang keso. Doon nagsimula ang kwento ng mga taong kumukuha ng bagay na hindi naman sa kanila.

05 10 / 2011

RE: Kayrumi na ng karagatan
Pagkat ginawang basurahan.
Kayrumi ng kapaligiran
Na ating pinabayaan.
 
Atin itong pangalagaan
Kung ikaw nga’y may kaalaman.
Mahalin mo ito at ingatan,
Nang kaginhaawa’y makamtan.

RE: Kayrumi na ng karagatan

Pagkat ginawang basurahan.

Kayrumi ng kapaligiran

Na ating pinabayaan.

Atin itong pangalagaan

Kung ikaw nga’y may kaalaman.

Mahalin mo ito at ingatan,

Nang kaginhaawa’y makamtan.

04 10 / 2011

RE: Bakit mas maliwanag ang Araw kaysa Buwan
Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas nakakatandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang malaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nila pataas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwanag ay tintawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

RE: Ang CICT Week ay ginanap noong ika-24 ng Agosto 2011 sa Activity Center ng Bulacan State University sa ganap na 3:oo ng hapon. Hindi ako kasama sa partisipante kaya naman mas nakuha kong malibang sa panunuod sa aking mga ka-eskuwela na binibigay talaga ang lahat sa bawat larong kanilang sinalihan. Sa unang araw ay ginanap ang “opening ceremony” doon ipinarada ang bawat partisipante mula sa magkaibang kurso at baitang. Kami ay naghintay na lamang sa pagdating nila sa Activity Center bilang pagsuporta sa programa. Iba’t ibang karakter ang aking nakilala sa Cosplay na taun- taon ng ginagawa sa CICT. Nagbigay saya ang mga Cospalyers at mga hosts sa mga manunuod na tulad namin para mabawasan ang pagkainip na dala ng sobrang init. Bago natapos ang araw na iyon ay ginanap din ang exhibition game ng CICT Faculty at mga instructors galing sa Engineering na kung saan aming mga instructors ang nagwagi. Sa kasunod na araw ginanap na ang mga ball games ng mga players na siya ng napaglipasan namin ng oras. Ang aming klase ay naupo sa iisang lugar bilang suporta na rin sa aming mga kaklase na kasama sa mga laro. Iba’t ibang klase ng paglalaro ang aming nakita hanggang sa matapos ang mga ball games at ganapin sa huling araw ang awarding sa mga partisipante na nakasungkit ng mga gantimpala.

RE: Charmaine Anne, ang pangalang ibinigay ng aking mga magulang na sina Rany A. Magat at Ma. Monina T. Magat; ako’y panganay sa aming apat na magkakapatid at isinilang noong ika-21 ng Nobyembre 1992. Ako ay nakatira sa San Matias, Sto. Tomas, Pampanga at sa kasalukyan ay kasama ang aking lolo’t lola sa kanilang tahanan sa kadahilanang nasa ibang bansa ang aming mga magulang. Sa pagbabalik-tanaw sa aking kabataan ay mas masasabi kong mas malapit ako sa aking ama, iyon ay kung bibigyang pansin ang mga pagkakataon na siya ang aking nakakasama sa mga programa sa aming eskuwelahan. Pati sa pagbabantay habang wala ang aming ina na noo’y siyang nagtatrabaho para sa amin. Ngunit dumating ang araw na ang lahat ay nagbago at nag-umpisang mawala ang mga magandang nabuo ng aming pamilya dahil sa isang pagkakamali. Masasabi kong ako ang pinaka-naapektuhan sa nangyari dahil simula nang mangyari iyon ay hindi na ko nakisalamuha sa iba bukod sa aking pamilya. Mula sa pangyayaring iyon noong ako’y nasa elementarya ay mas tumatag ako. At mas lalo ko pang nakilala ang aking sarili noong ako’y nasa hayskul nag makilala ko ang “Sphinx”  na nagpakita sa akin na may mga tao pa rin na handa akong tulungan. Ngunit nagbago na naman ang lahat noong pumasok ako sa kolehiyo. Una, ang pagkilala ko sa aking kurso— CompTech. Habang dumadaan ang araw ay mas nakikilala ko ang aking sarili sa tulong na rin ng aking mga kaibigan dito. Araw-araw ay isang pagkilala sa bawat tao na aking nakakasalamuha. Bawat tao ay may pag-uugaling kailangan mo rin pakibagayan.