04 10 / 2011
RE: Charmaine Anne, ang pangalang ibinigay ng aking mga magulang na sina Rany A. Magat at Ma. Monina T. Magat; ako’y panganay sa aming apat na magkakapatid at isinilang noong ika-21 ng Nobyembre 1992. Ako ay nakatira sa San Matias, Sto. Tomas, Pampanga at sa kasalukyan ay kasama ang aking lolo’t lola sa kanilang tahanan sa kadahilanang nasa ibang bansa ang aming mga magulang. Sa pagbabalik-tanaw sa aking kabataan ay mas masasabi kong mas malapit ako sa aking ama, iyon ay kung bibigyang pansin ang mga pagkakataon na siya ang aking nakakasama sa mga programa sa aming eskuwelahan. Pati sa pagbabantay habang wala ang aming ina na noo’y siyang nagtatrabaho para sa amin. Ngunit dumating ang araw na ang lahat ay nagbago at nag-umpisang mawala ang mga magandang nabuo ng aming pamilya dahil sa isang pagkakamali. Masasabi kong ako ang pinaka-naapektuhan sa nangyari dahil simula nang mangyari iyon ay hindi na ko nakisalamuha sa iba bukod sa aking pamilya. Mula sa pangyayaring iyon noong ako’y nasa elementarya ay mas tumatag ako. At mas lalo ko pang nakilala ang aking sarili noong ako’y nasa hayskul nag makilala ko ang “Sphinx” na nagpakita sa akin na may mga tao pa rin na handa akong tulungan. Ngunit nagbago na naman ang lahat noong pumasok ako sa kolehiyo. Una, ang pagkilala ko sa aking kurso— CompTech. Habang dumadaan ang araw ay mas nakikilala ko ang aking sarili sa tulong na rin ng aking mga kaibigan dito. Araw-araw ay isang pagkilala sa bawat tao na aking nakakasalamuha. Bawat tao ay may pag-uugaling kailangan mo rin pakibagayan.
