06 10 / 2011
RE: May isang maliit na bayan, ang Dahog Dahog na kung saan sa di kalayuan ay mag-asawang naninirahan. Kadalasan sila ay nag- lalakad papuntang bayan upang bumili ng mga kinakailangan sa
araw-araw. Ang mag-asawang ito ay may isang anak si Undang, walong taong gulang. Isang araw napag-isipan ng mag-asawang ipagluto ang kanilang anak ng spaghetti, ito ay sikat na pagkain sa mga bata kaya naman umagang umalis ang kanyang ina upang bumili ng mga sangkap. Bumalik ito agad upang makapag-luto na. Si Undang naman ay masayang naglilinis ng bakuran dahil
sa pagkasabik sa spaghetti. Nagluto na ang kanyang ina at naalala nito na nakalimutan niyang bumili ng keso. Inutusan nito ang kanyang anak na bumili saglit ng keso. Pagkatapos maglinis ni Undang tila nakaramdam ito ng pagkatamad marahil na rin sa pagod at gutom. Ngunit kahit ganun ay sinunod pa rin niya ang kanyang ina. sSa paglalakad niya ay may naamoy siyang mabangong keso. Pero nagtaka siya dahil sa lugar na iyon na magubat ay may keso. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsunod sa amoy. Ito ay nagmumula sa bahay ng isang duwende. Isang nakabalot na tela ang kanyang nakita at nang maamoy ay nakita na ang keso. Bumalik na siya sa kanilang bahay kaagad kaya laking gulat ng kanyang ina. Ngunit ipinagpatuloy na lang nito ang paghahanda sa spaghetti. Habang kumakain ay tila may naramdaman si Undang sa kanyang katawan, iyon ay dahil sa sumpang dala ng keso na sinambit ng duwende sa kung sino man ang nagnakaw ng kanyang keso. Doon nagsimula ang kwento ng mga taong kumukuha ng bagay na hindi naman sa kanila.
